-- Advertisements --
Itinanggi ni Department of Finance Secretary Ralph Recto na magkakaroon ng panibagong pagbubuwis ngayong taon.
Sinabi nito na kapag nagpatupad ng panibagong pagbubuwis ay makakadagdag ito sa inflation na siyang pangunahing ikinakabahala ng mamamayan sa bansa.
Patuloy pa rin nilang inaaral at isinasaayos ang mga tax proposals na naipasa sa pinalitan niyang si dating finance secretary Benjamin Diokno.
Kahit aniya na walang mga panibagong pagbubuwis ay tiwala pa rin ito ng makamit ang P4.3 trillion na revenues ngayong taon.
Hinikayat niya ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na paigtinging ang kanilang revenue collections at maging transparent gaya ng pag-iwas sa kurapsyon at isulong ang digitalization.