Ipinagtanggol ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno ang inaprubahang taas singil sa mga toll gate na dumadaan sa North Luzon Expressway (NLEX).
Magsisimulan na kasi sa Hunyo 15 ang panibagong taas singil ng nasabing toll fee ng NLEX.
Sinabi ni Diokno na ang pagtaas ay base sa petisyon na matagal ng nakabinbin ng ilang taon kabilang ito noong taong 2014 at 2012.
Dagdag pa ng kalihim na nararapat na bigyang ng pansin ng gobyerno ang petisyon mula pa noong 2010 at ang pagtaas ay sa pamamagitan ng staggered at hi nid minsanan na ipapatupad.
Paliwanag pa nito an ang pagpayag ng dagdag singil sa toll ay bahagi ng pagsusulong nila ng public-private partnership.
Pagtitiyak nito na ang mga petisyon ay mabusising pinag-aaralan ng gobyerno at hindi nila ito basta inaaprubahan.