Inilatag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno ang ilang mga measures para mapabilis ang economic recovery ng bansa sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Ways and Means sa pangunguna ni Rep. Joey Salceda.
Sa naging talumpati ni Sec. Diokno kaniyang sinabi na kabilang sa mga measures na makakatulong sa epagbangon ng konomiya ng bansa ay ang mga sumusunod: Real Property Valuation and Assessment reform; Imposition of Vat on Digital Goods and Services; Excise Tax on Single-use of Plastic bags; Passive income and financial intermediary Taxation; Rationalization of Mining Fiscal Regime; Military and Uniformed Personnel Pension Reform Bill; Amendments to Landbank of the Philippines Charter; Livestock Development and Competitiveness Bill; Capital Market Development at Amendments to the Philippine Crop Insurance Corporation Charter.
Sinabi ng Kalihim na sa kabila na mataas ang public debt o utang, nananatili naman itong manageable.
Ipinunto ni Secretary Diokno na hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na panganib na hindi matupad ang kanilang mga obligasyon sa taong ito.
Batay sa ulat na ilang mga bansa na may mga antas ng pampublikong utang-sa-gross domestic product (GDP) na mas mataas kaysa sa ratio ng Pilipinas, na umabot sa 63.5 porsiyento sa pagtatapos ng unang quarter.
Giit ni Diokno ang ratio ng utang-sa-GDP ay hindi ang tanging pamantayan na mahalaga, dapat isaalang-alang ang economic fundamentals ng bansa.
Binigyang-diin ng chief economic manager ni Pang. Marcos na ang ating panlabas na sektor ay nananatiling matatag ang gross international reserves (GIR) ay higit pa sa sapat at mayroong tuluy-tuloy na structural inflow at tumataas na exports.”
Layon kasi ng Marcos administration na palaguin ang ekonomiya ng 6.5 hanggang 7.5 porsiyento sa taong ito at pagkatapos ay gawing 6.5 hanggang 8 porsiyento taun-taon mula 2023 hanggang 2028.
Sinabi din ni Diokno na walang dapat ikabahala sa kasalukuyang antas ng public debt o utang.