Isa umano sa maituturing na legacy na maiiwan ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez sa kanilang organisasyon ay ang natuldukan na deka dekadang armed conflict sa pagitan ng gobyerno, MILF at MNLF.
Ipinagmamalaki ni Galvez na naging bahagi siya sa makasaysayang pag uusap ng gobyerno at MILF at maging sa MNLF kung saan humantong ito sa final peace agreement.
“Ang nakikita nating magandang legacy is one we end conflict with MILF and MNLF,” pahayag pa ni Galvez.
Mensahe naman ni Galvez sa kaniyang magiging successor na ipagpatuloy ang kaniyang nasimulan lalo na sa kanilang kampanya laban sa terorismo at insurgency dahil patungo na ito sa kanilang tagumpay.
Aniya, sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon matutuldukan na ng militar ang lahat ng mga banta na kinakaharap ng bansa.
Sa halos 30 dekada sa military service, magreretiro na si Galvez sa darating na December 12, 2018.
Giit ni chief of staff, very fulfilled siya sa kaniyang natamo.
“Yes Im very fulfilled dahil kasi yung lahat ng gusto kong mangyari sa AFP, with the help ng aking mga superior, predecessors ko we were able to instill discipline and tinatawag nating institutional reforms, as of now the AFP have enjoyed good image wherein our legitimacy and our purpose of serving the people and the state has been recognized by the Filipino people,” wika pa ni Galvez.
Hayagan ding sinabi ni Galvez na nais pa rin magsilbi sa gobyerno.
Una na nitong sinabi na nag-apply siya bilang consultant sa OPAPP.
Sa ngayon, sinabi ni Galvez na wala siyang natatanggap na offer mula sa Pangulong Duterte.