-- Advertisements --
Nakatakdang bumiyahe na ngayong araw ang Gilas Pilipinas patungong Bierut, Lebanon para sa pagsabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Makakaharap kasi nila ang Lebanon sa Agosto 25 habang babalik sila sa bansa 29 para makaharap ang Saudi Arabia.
Sa ginawang ensayo ng national basketball team nitong Linggo sa Meralco Gym, ay kumpleto na sila matapos na nakasama si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar.
Si Aguilar kasi ay nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo at ito ay gumaling na.
Inaasahan din ngayong araw ay iaanunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang mga manlalaro na sasabak sa nasabing torneo.