Nagsimula nang dumating ang mga Filipino pilgrims na dadalo sa Hajj sa Saudi Arabia, ayon yan sa Department of Foreign Affairs (DFA)
Dumating sa Madinah ang unang batch ng mga Filipino na binubuo ng humigit-kumulang 292 na mga indibidwal.
Malugod silang tinanggap ng mga opisyal ng embahada ng Pilipinas at ng Konsulado ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, nasa 7,200 Filipino pilgrims ang sasama sa Hajj ngayong taon.
Pinasalamatan ni Chargé d’Affaires Rommel Romato ang gobyerno ng Saudi para sa kanilang mga inisyatiba upang mapahusay ang karanasan ng mga pilgrims sa pagbisita sa dalawang Banal na Mosque.
Ang inisyatiba ng “Makkah Route” ay nagbigay-daan sa mga pilgrims na kumpletuhin ang mga pamamaraan sa immigration ng Saudi sa kanilang bansang pinagmulan bago umalis patungong Saudi Arabia.
Una na rito, ang Philippine Missions sa Saudi Arabia ay nagtalaga ng mga Hajj assistance team upang tumulong na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pilipinong pilgrims habang nasa Saudi Arabia.










