Iniuwi ng Filipino dance group na VPeepz ang 1st Runner Up award sa Body Rock JR 2023, isang international hiphop competition sa San Diego, California.
Ang VPeepz nga ang nag-iisang Pinoy group sa JR category. Kinabibilangan ng 34 na young dancers sa edad na 13 to 18 ang grupo. Halos karamihan sa mga miyembro ay first time sa Estados Unidos.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa dance coach na si Chips Beltran, proud ito sa natamong tagumpay ng kanilang grupo, at inamin nito na hindi naging madali ang kanilang journey patungong U.S., at kinailangan nilang magkaroon ng mga fundraising para makarating sa kompetisyon.
“Hindi birong maglipad ng 34 na bata sa ibang bansa. So nag fundraising kami. Marami kaming projects na ginawa. Masaya ako kasi masaya yung kids. Dahil karamihan nga sa kanila, first-timers, naging professional sila bigla in a span of 5 days dito sa US. Ang taas din ng score nila, 98.”
Nagpasalamat rin ito sa mga tumulong sa kanilang grupo.
“Maraming-maraming salamat, first of all, sa aming mga magulang, sa mga magulang ng mga bata na tumulong, and yung mga naiwan sa Pilipinas na tumulong along the way. Para ito sa Pilipinas and sa motherland, so thank you so much.”
Ang VPeepz ang junior varsity team ng grupong UPeepz, na una ng nakilala sa reality dance competition na World of Dance sa U.S.