-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naglunsad ng fund-raising campaign ang Filipino Community sa New Zealand upang makalikom ng pondo bilang tulong sa pamilya ng Pinay na nasawi kasama ang anim na iba pa sa nangyaring malagim na aksidente sa nasabing bansa.

Nangyari ang aksidente sa southern part ng Picton, New Zealand kun saan bumangga ang kanilang sinasakyang van sa isang truck.

Ang mga namatay na biktima ay ang Pinay na si Diseree Brown, 48 anyos; asawa na si Paul Brown, 61; anak na si Mark, 14;kapatid ni Diseree na si Divine Dolar, 56; anak ni Divine na si Flordeliza Dolar, 19; manugang ni Desiree anak na 10 buwang gulang pa lang.

Nakaligtas naman sa aksidente ang dalawang anak na lalaki ni Diseree na sina Pedro Clariman, 26, at Luie Lagud, 16, ngunit patuloy pa na ginagamot sa ospital.

Ayo kay Bombo International Correspondent Tess Peeters direkta sa New Zealand, sa ngayon nakalikop na ng pondo na humigit kumulang sa P2 million pesos upang magsilbing tulong sa mga survivors.

Napag-alaman na hindi nakasama sa byahe ang tatlong iba pang mga anak ni Diseree.