Number 1 ngayon ang Filipino accent bilang sexiest o pinakanakakaakit sa buong Asya ayon sa isang travel site.

Base sa survey result ng Big 7 Travel, ika-21 din ang Pilipinas sa sexiest accent sa buong mundo.

Ayon sa Big 7 Travel ang Filipino accent ay “gentle” at “soft.”

Ang sexiest accent o ang maling pagbigkas sa mga salitang Ingles ay posible umanong nag-ugat sa mga kumalat na memes noong nakaraang taon kaugnay ng maling pagbigkas ng mga Pinoy sa mga salitang Ingles.

Kabilang dito ang French fries, diabetic, deodorant at Buendia.

Ang New Zealand accent na Kiwi naman ang nangunguna sa buong mundo na wikang ginagamit ng singer-songwriter na si Lorde.

Isinalarawan naman ng travel site bilang “outrageously charming” ang accent ng New Zealand.

Pasok naman sa top 10 ang South African, Irish, Italian, Australian, Scottish, French, Spanish, South USA, at Brazilian Portuguese sa sexiest accent.