Nabigo ang Philippine Womens football team ng bansa na Filipinas kontra sa South Korea 5-1 sa group stage ng 19th Asian Games sa Wenzhou Sports Center Stadium.
Bumida sa panig ng Korea si Son Hwayeon dahil sa kaniyang hat trick na nagtala siya ng tatlong puntos.
Tanging si Sarina Bolden ang nakapagtala ng goal sa panig ng Pilipinas sa unang walong minuto ng laro.
Naitabla agad ng Korea sa 1-1 ang laro sa 12 minuto sa pamamagitan ng goal ni Chun Garam at nakalamang na sila pagpasok ng 44 minuto sa pamamagitan ni Son.
Muling nakapagpasok ng goal si Son sa 56th at 69th minuto para makumpleto ang kaniyang hat trick.
Magugunitang tinalo ng Filipinas ang Hong Kong 3-1 nitong Biyernes habang tinalo ng South Korea ang Myanmar 3-0.
Kailangang talunin ng Filipinas ang Myanmar sa laro nila sa Huwebes p ara may tsansa ang mga ito na maka-abanse sa knockout round.










