May mga aral pa rin ang nais na ipamalas ng Filipinas womens football team ng bansa matapos na sila ay ma-swept ng South Korea sa kanilang dalawang friendly games.
Nitong Lunes ay muling tinalo sila ng South Korea sa score na 2-1 sa laro na ginanap sa Icheon, Korea.
Unang nakapagtala ng puntos si Choo Hyo Joo sa opening minute na sinundan ni Cheo Yu Ri sa 33 minuto ng laro para sa South Korea.
Tanging si Angela Beard ang nakapuntos para sa Filipinas sa loob ng 74th minuto.
Sinabi ni Filipinas coach Mark Torcaso na hindi nawalan ng pag-asa at lumaban pa rin ang koponan kahit na mayroon ng dalawang goals ang kalaban.
Itinuturing pa nito na ang nag-iisang goal ay isang malaking karangalan na dahil sa ang South Korea ay nasa pang-20 puwesto sa FIFA world raking.
Magugunitang sa unang paghaharap ng dalawang koponan noong nakaraang Huwebes ay nagwagi ang host country sa score na 0-3.