-- Advertisements --

Hindi magpapakumpiyansa ang Filipinas football team sa paghaharap nila ng Singapoe mamayang gabi sa opener ng AFF Women’s Championship 2022.

Ito ay kahit na nagtala sila ng makasaysayang panalo laban sa Australia nitong Lunes sa Rizal Memorial Stadium sa score na 1-0.

Ayon kay Filipinas head coach Alen Stajcic na naging maganda ang ipinakita nilang laro.

Nanawagan na lamang ito sa mga Filipinos na dapat suportahan ang football team ng bansa lalo na at sa homecourt sila maglalaro.

Naniniwala ito mayroong kakaibang epekto sa mga manlalaro kapag majority sa mga manonood ay kanilang mga kababayan.