Nagpasya si swimmer Kayla Sanchez na irepresents na ang Pilipinas sa mga international events.
Ang Filipino-Canadian athletes kasi ay nagwagi ng silver medal sa 4×100 m freestyle at bronze namans a 4x100m medley sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon.
Nirepresent niya noon ang Team Canada.
Sinabi ni Philippine Swimming Inc. (PSI) president Lani Velasco na binuksan ni Sanchez ang kaniyang palad at tiniyak na tutulungan ang bansa sa anumang international events.
Ang 21-anyos na si Sanchez ay nagrerepresent ng Canada mula pa noong 2017 na siya ang kasalukuyang may hawak ng junior record na 50 meter freestyle.
Ang ama nito ay taga Pampanga habang ang ina naman nito ay taga Baguio.
Kasalukuyan ng inaayos ng Philippine Olympic Committee ang mga kakailanganin nitong papeles para maging pormal na atleta ng bansa.