STAR BACOLOD – Fil-American Police, unang naging casualty ng COVID-19 sa Napa County, California
Nasawi ang isang 43-anyos na Filipino American sa Napa County sa California dahil sa coronavirus disease na sanhi ng kanyang trabaho bilang police investigator for Domestic Violence Unit sa Sta Rosa Police Department.
Ayon kay international correspondent Winston Sario, ang Filipino American ang unang naging casualty sa Fil-Am community dahil sa trabaho ng pag-iimbestiga ng possible domestic violence sa mga tahanan.
Tumaas kasi ng 36% ang domestic violence sa mga kabahayan simula ng magdeklara ng lockdown ang gobyerno doon.
Dagdag pa ni Sario, ang pagtaas ng domestic violence sa kanilang lugar ay dahil sa hindi sanay ang mga mag-anak na magkakasama sa bahay at ang kanilang nagiging pampalipas oras ay ang pag-inom ng alak at paggamit ng marijuana.