-- Advertisements --

Naitabla ni Filipino-American pole-vaulter Natalie Uy ang kaniyang dating record noong nakaraang taon.

Sa ginanap na USATF Invitational sa Praire View, Texas, nakapagtala ito ng 4.30 meters na parehas noong nakaraang taon na ginanap sa Greenvillle, North Carolina.

Ito ang unang pagsabak ni Uy mula noong ito ay nagtamo ng injury sa kaniyang kailwang pulso.

Itinuturing si Uy na siyang paboritong manalo sa Southeast Asian Games na gaganapin sa buwan ng Nobyembre sa Hanoi, Vietnam.