-- Advertisements --

Binigyan ng bagong kotse ni American TV host-producer Ellen DeGeneres ang isang Filipino-American nurse.

Si Flor Maylyn Roz na isang nurse ay isa ring COVID-19 survivor.

Ngayong buwan kasi ay nagbigay ng pagpupugay si Ellen sa mga COVID-19 frontliners.

Matagal ng licensed practical nurse si Flor na nakabase sa Los Angeles, California.

Kuwento pa nito na mula pa noong bata pa siya matagal na ito ng tumutulong.

Halos mapaiyak si Flor ng makita ang regalong sasakyan sa kaniya ng sikat na TV host.