-- Advertisements --
Bumagsak ang F-16 fighter jet ng US sa karagatang sakop ng South Korea.
Naganap ang insidente sa kasagsagan ng training mission sa Korean Peninsula.
Nakaligtas naman ang piloto matapos na makapag-eject habang pabagsak na ang eroplano at ito ay dinala sa pagamutan.
Pinasalamatan naman ni Col. Matthew Gaetke, ang commander ng 8th fighter Wing, ang rescue forces ng Republic of Korea dahil sa dinala nila agad sa pagamutan ang piloto.
Patuloy na nagsasagawa ang mga otoridad ng imbestigasyon sa nangyaring pagbagsak ng fighter jets na siyang ikatlong beses na sa loob lamang ng isang taon.