-- Advertisements --
Hindi pa rin humuhupa sa Argentina ang mainit nilang pagkampeon ngayong taon ng FIFA World Cup.
Bukod sa may mga kasiyahan ay pilahan pa rin ang mga fans ng pagpapalagay ng tattoo.
Karamihan ng mga Argentinian ay nagpapatattoo ng larawan ng kanilang football star na si Lionel Messi.
Bukod aniya kay Messi ay pinapatatto nila ang trophy ng FIFA ganun din ang mukha ng goalkeeper na si Emiliano Martinez na siyang naging susi sa panalo nila kontra sa defending champion na France.
Magugunitang tinalo ng Argentina ang France sa pamamagitan ng penalty shootout dahil sa makailang beses na nagtabla ang kanilang laro kahit tapos na ang 90 minutes regulations.