-- Advertisements --

Kinuha ng Converge FiberXers si dating Jose Rizal University player JL Delos Santos.

Inanunsiyo ng koponan nitong Lunes na pormal ng pumirma ng kontrata si Delos Santos.

Naniniwala ang koponan na malaking tulong si Delos Santos para magtagumpay sila sa PBA lalo na at mayroon na silang limang talo sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Mayroong 7.94 points ito, 5.83 rebounds, 6.28 assists, 2.28 steals at 0.61 blocks.

Inaasahang sasabak na ito sa laban nila sa NorthPort sa darating n Miyerkules.