Abanse na sa ikalawang round ng elimination ang limang team sa nagpapatuloy na FIBA World Cup 2023.
Batay sa kasalukuyang standing, pasok na sa ikalawang round ang team Canada15, Germany11, Latvia29, Lithuania8, Montenegro18, na unang kumamada ng mga panalo, kontra sa kanilang mga ka-grupo.
Ang team Canada ang isa sa mga powerhouse sa FIBA 2023, dahil sa ilang mga NBA players na naglalaro sa ilalim nito, pangunahin sa Shai-Gilgeous Alexander. Nagtala sila ng panibagong rekord kahapon sa kanilang 44 dimes.
Ang Germany naman ay pinamumunuan ng isang mag beteranong NBA players, katulad nina LAL guard Dennis Schroder, at Daniel Theis.
Para sa Latvia, bagaman, hindi nakapaglaro ang kanila sanang magsisilbing sentro na si Kristaps Porsingis, ay nagawa pa rin nitong makapagbulsa ng magkakasunod na panalo.
Abanse na rin ang powerhouse na Lithuania, abanse na ito sa 2nd round matapos nitong tambakan kahapon ang Mexican team.
Maaga ring uusad ang Montenegro sa kanilang 2nd round elimination matapos makakuha ng 2-0 sa standing ng Group D. Ang naturang bansa ay pinamumunuan ni Chicago Bulls big Man Nikol Vucevic