-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association o FEJODAP sa bagong liderato ng Department of Transportation (DOTr) na ibalik na ang dating ruta nila bago tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Ayon kay FEJODAP president Boy Rebaño na hiling din nila sa DOTr na ipatupad ang Jeepney Modernization Program na bahagyang natigil noong pandemiya.

Humihirit din ang grupo ng
pakikipagpulong kay DOTr Secretary Jaime Bautista para maiparating nila ang kanilang hinaing.

Magugunitang maraming mga jeepney operators ang hindi sang-ayon sa jeepney modernization dahil sa dagdag gastos umano ito.