-- Advertisements --
Naniniwala ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ang pag-upgrade sa mga kalidad ng Filipino content ay siyang susi para mabawi ang paglakas ng mga lokal na pelikula sa bansa.
Ayon kay FDCP chairperson at CEO Tirso Cruz III na nararapat na mabigyan ng suporta ng gobyerno ang lokal film industry para mapaganda ang kalidad nito.
Bukod aniya sa pagpondo ay dapat ay magkaroon din ng batas sa proteksyon ng mga local productions.
Magugunitang iminungkahi ni Senator Jinggoy Estrada ang pagbabawal ng pagpapalabas ng mga Korean telenovela na hinahangaan ng mga Filipino dahil sa nawawalan na ng kita at trabaho ang mga Filipino.