Aminado ang Food and Drug Administration (FDA) na maaaring mapabilis ng emergency use authorization (EUA) ang proseso ng aplikasyon ng isang COVID-19 vaccine na target ipasok sa Pilipinas.
Pahayag ito ng ahensya matapos ianunsyo ng kompanyang Pfizer sa Amerika na mag-aapply na sila ng EUA sa kanilang pamahalaan.
“Yes I would think so when we have EUA mechanism in place, then once nakakuha na sila ng EUA from US FDA, mas mapapabilis talaga ang proseso and we’ll be able to look at evaluations done by these mature regulatory agencies,” ani FDA director general Eric Domingo sa isang press briefing.
Sa ilalim ng FDA Act of 2009, walang mandato ang ahesya na maglabas ng EUA sa mga gamot o bakuna kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa.
Kaya naman ihinihirit nila ng DOH na maglabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng Executive Order para sa EUA ng COVID-19 vaccines.
“This is a risk-based procedure for accessing a vaccine that is still in development. Not just vaccine therapeutic, meaning the trials are still going on, but you can assess it quickly and look if the risk is low and possible benefit is high.”
“The aim is to expedite the availability of the vaccine or the drug to the people affected by the public health emergency.”
Ayon sa Malacanang, aprubado na “in principle” ni Duterte ang EO para sa EUA ng COVID-19 vaccines.
Nilinaw ni Usec. Domingo na kahit magawaran ng EUA ang isang bakuna ay kailangan pa rin itong dumaan sa regulatory process para magamit ng mas malaking populasyon.
Ilan sa mga bakunang may aplikasyon ng clinical trial dito sa Pilipinas ay may EUA sa kani-kanilang bansa.
Tulad ng bakuna ng Sinovac at Sinopharm sa China; at Gamaleya Research Institute ng Russia.