-- Advertisements --

Hindi malabong marami pang bakuna kontra COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) ang iligal na ibinibenta sa Pilipinas.

Ayon kay Food and Drugs Administration (FDA) director general Eric Domingo, ito ay alinsunod na rin sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos na ilang indibidwal ang naaresto kamakailan dahil sa iligal na pagbebenta ng COVID vaccines kabilang na ang isang nurse.

Sa ngayon, sinabi ni Domingo na inaalam pa nila kung paano nakalabas ng sistema o napunta sa mga iligal na nagbebenta ang mga COVID-19 vaccines.

Kung maaalala, ang mga bakunang ito kontra COVID-19 ay ginagamit sa ilalim ng emergency use authorization (EUA) kaya hindi pa pinapayagan ang commercial distribution nito.

Samantala bagama’t authentic o tunay ang mga nakumpiskang bakuna, sinabi ng FDA director general na hindi ito maaaring gamitin.

Wala kasi aniyang katiyakan na ligtas gamitin ang mga bakunang ito, na mayroong required na temperatura para sa storage ng mga ito.