Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa wastong paggamit ng gamot na Dexamethasone, na isang uri ng steroid drug.
Sa isang advisory na may petsang June 19, sinabi ni FDA director general Eric Domingo na dapat may reseta mula sa isang lisensyadong doktor ang pagbili at paggamit ng nasabing gamot.
Rehistrado naman daw sa ilalim ng ahensya ang Dexamethasone pero dapat na mga lisensyadong establisyemento at pasyenteng may valid prescription o reseta lang dapat na bigyan nito.
“The sale of unregistered Dexamethasone or sale of the drug without valid prescription or through online platforms is strictly prohibited.”
Ayon sa FDA chief, ang hindi tamang paggamit ng Dexamethasone ay posibleng magdulot ng seryosong reaksyon katawan tulad ng:
- Immunosuppression or impairment of the body’s ability to fight infections
- Gastrointestinal bleeding and ulcers
- Electrolyte imbalance
- Osteoporosis
- Muscle weakness
- Poor wound healing
- Prolonged use of the drug may cause suppression of growth among infants and children
- Obesity
Ang biglaang pagtigil naman daw sa intake nito matapos ang tuloy-tuloy na paggamit ay maaaring magdulot ng withdrawal symptoms gaya ng hypotension, shock at comatose.
Isa ang Dexamethasone sa mga pinag-aaralang gamot ngayon laban sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19). Sa isang pag-aaral sa United Kingdom, lumalabas na napababa ng nasabing gamot ang mortality rate o bilang ng mga namamatay sa naturang sakit.
Hinimok ng FDA ang publiko na i-report sa kanilang Center for Drug Regulation and Research ang sino mang mapapatunayang nagbebenta ng Dexamethasone nang walang valid na reseta.