-- Advertisements --

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) dahil sa ilang produktong naglipana sa pamilihan kahit walang sapat na clearance at hindi nasuri ng kanilang tanggapan.

Kabilang na rito ang ilang pagkain, sahog sa lutuin, palaman sa tinapay, skin care products at food supplement.

Giit ng FDA, maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ang mga produktong ito, dahil sa hindi pagkakapasa sa angkop na proseso.

Kabilang sa mga ito ang mga sumusunod na produkto:

  1. ELMAR’S Marshmallows
  2. Korean Ginseng with Antler Extract Soft Capsule
  3. BRO JOE’S Green Coffee
  4. RED PANAX Ginseng Extract 800mg
  5. RED PANAX Ginseng Extract 600mg
  6. JK & E Honey
  7. VIRGIE’S Wild Honey
  8. BIG BOY Special Odong Chinese Style
  9. KEVIN Premium Quality Refined Sugar
  10. CHE LANZ Creamy Peanut Butter
  11. BLESSED LIFE Coffee Mix 7 Active Ingredients with Stevia and Green Coffee
  12. NATURE VITA Paragis Capsule Food Supplement
  13. BODY SHRED
  14. SKINICE GLUTA MELONY 7in1+Melon, Zinc, L-Glutathione
  15. NURTURE’S WELL Paragis Capsule
  16. 3JM GRAINS AND SPICES Raisins
  17. 3JM GRAINS AND SPICES Garlic Powder
  18. 3JM GRAINS AND SPICES Atsuete
  19. WL FOODS Yaahoo Tosta Bread Toasted Bread Garlic
  20. GSJ PEANUTS Greaseless Peanuts