-- Advertisements --
FDA

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng hindi rehistradong mga pagkaing produkto na hindi sumailalim sa striktong evaluation process ng ahensya.

Ito ang produktong “WANRENTANG Barley Seedling Powder Solid Drink.”

Nabulgar ito kasunod ng isinagawang online monitoring at port-marketing surveillance ng FDA kung saan naberipika na ang nabanggit na produkto ay walang kaukulang registration at hindi naisyuhan ng Certificate of Product Registration.

Salig kasi sa Republic Act No. 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, striktong ipinagbabawal base sa FDA ang anumang mga aktibidad na may kinalaman sa pagbebenta, pag-angkat, pag-export, pamamahagi, pag-promote o pag-sponsor ng health products nang walang kaukulang awtorisasyon.

Dahil sa hindi dumaan sa evaluation ng FDA ang nasabing produkto, hindi magagarantiya ng ahensya ang kalidad at kung ligtas na ikonsumo ang naturang food product.

Kung kayat pinayuhan ng FDA ang lahat ng concerned establishments at entities na iwasang mamahagi ng ganitong food products hanggang sa makakuha ng kaukulang awtorisasyon.

Paalala ng FDA na ang kabiguang sumunod sa naturang warning ay magreresulta sa regulatory actions at karampatang sanctions.