Nagbabala ang Food and Drug Administration sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng gamot na Domperidone.
Sa inilabas nitong pag-aaral, nakitang maaaring magdulot ng serious ventricular arrhythmias o sudden cardiac death ang ang Domperidone lalo na sa mga pasyenteng edad 60 years old pataas at sa mga gumagamit nito sa higit 30 milligrams.
Ayon sa ahensya, mayroon ng apat na kasong pinagsususpetsahan na nagkaroon ng adverse reactions sa gamot na Domperidone.
Nagpaalala rin ang FDA na ang nabanggit na gamot ay ginagamit lamang sa Pilipinas para sa mga mayroong dyspeptic symptoms, gastroesophageal reflux, esophagitis, nausea, at vomiting.
Ang Domperidone ay hindi over the counter drugs at nangangailangan ng reseta kaya inanyayahan din ng FDA ang mga doktor na mababang dosage lamang ang i-reseta sa mga pasyente na iinumin sa maikling panahon lalo na sa mga matatandang pasyente na may kasaysayan ng cardiac history.
Inabusihan din ng FDA ang publiko na iulat sa kanilang doktor o healthcare professionals kung makaramdam ng adverse effect sa paggamit ng Domperidone.