-- Advertisements --
Nilinaw ng Food and Drugs Administration (FDA) na hindi gawa sa Pilipinas ang “Lucky Me” instant noodles na mayroong ethylene oxide na nadiskubre sa Europa.
Ayon sa FDA na lumabas sa kanilang pananaliksik na ito ay nagmula sa bansang Thailand.
Base kasi sa isinagawang pagsusuri sa laboratoryo sa Vietnam na hindi nakita ang ethylene oxide sa iba’t-ibang variance ng nasabing instant noodles.
Magugunitang pina-recall sa merkado ng mga bansang Ireland, Malta at France ang nabanggit na noodles na may manufacturing date na 2021 at 2022 matapos na makitaan ng ethylene oxide na siyang ginagamit sa mga pataba.