-- Advertisements --

Hinimok ngayon ang isang organisasyon na nagtataguyod sa family planning ang Food and Drug Administration (FDA) na ikonsidera ang pagbaliktad sa 20 taon nang pagbabawal sa emergency contraceptive (EC) pills.

Ito ay kasunod na rin ng muling pagpapatupad ng face-to-face classes kasunod na rin nang pagbaba ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.

Sinabi ni DKT Philippines Foundation chair Hyam Bolande, natatakot daw ang mga health experts sa paglobo ng adolescent pregnancy dahil papayagan na rin ang mas maluwag na restrictions at magkakaroon na ng interactions ang mga kabataan.

Sinabi ni Bolande na pansamantala namang bumaba ang rate ng teenage pregnancies sa bansa noong kasagsagagan ng pandemic.

Pero ngayon ay posible umanong tumaas ulit kayat ang nakikita nilang solusyon ay ang paggamit ng pills.

Ang EC pill na kilala ring morning-after pill ay isa raw option para mapigilan ang pagbubuntis.Base raw sa pag-aaral ng grupo, nasa 73 percent ng mga hindi pa kasal na Pinay ay mas pinili ang EC method.

Inaprubahan noon ng bansa ang pag-angkat at pagbebenta ng Postinor sa Pilipinas.

Pero noong taong 2001 ay idineklara ng FDA na abortifacient ang naturang pill kaya agad na ni-revoke ang registration.