-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 15 17 53 43

Tiwala ngayon ang Department of Science ang Technology (DOST) na makukuha nila ang oo ng Food and Drugs Administration (FDA) para gamiting supplement ang virgin coconut oil (VCO) na gamot sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kasunod na rin ito ng pag-apruba ng FDA sa VCO para sa clinical trial.

Ayon kay DOST Sec. Fortunato dela Pena, kahapon na ang umpisa ng actual trial ng VCO sa Philippine General hospital (PGH) at ospital sa Sta Rosa sa Laguna.

Screenshot 2020 08 15 17 52 23

Posible umanong mauunang matapos ang PGH dahil mas kumpleto sila sa kamagitan kumpara sa ibang ospital.

Ang target umanong pasyente ng PGH ay 100 habang 90 naman sa isang ospital sa Laguna.

Ang PGH ay magkakaroon daw ng 14 araw na actual trial habang sa isang ospital ay 28 days.

Dagdag ni Dela Pena, noong ginamit daw sa Cebu ang naturang gamot sa mga pasyente ng covid ay gumaling lahat ang mga tinamaan ng virus.