-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan ngayon ng Federal Bureau of Investigation ang posibelng pagsiklab ng civil war matapos ang ginawang raid sa bahay ni Dating U.S. President Donald Trump na nagresulta sa pagkakasamsam ng ilang top secret documents na dinala ni Trump nang lisanin nito ang White House.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Jon Meligrito, News Editor sa isang pahayagan sa Washington DC na magkakasunod na insidente ng paglusob ng mga taga supporta ni dating Pangulong Trump ang naitala sa ilang FBI headquarters sa Cincinnati at Capitol Hills kabilang ang 22 anyos lalake mula sa Delaware na bumangga sa barikada sa Capitols Hills noong araw ng sabado bago nagpaputok ng baril at saka nagbaril sa sarili.

Aniya, maaaring lumala pa ang magiging problema kung ipagpapatuloy ng Republican leaders ang pag atake sa FBI.

Kasalukuyang minomonitor ngayon ng FBI ang social media post ng mga supporters ni Dating Panglong Trump kung saan natuklasan ang panawagang pag atake o paglulunsad ng civil war laban sa mga law enforcement agencies.