Kinuwestyon ng ilang mambabatas ang ilan sa mga Facebook posts ni National Intelligence Coordinating Council (NICA) chief Alex Monteagudo sa ginanap na budget hearing kahapon ng Kongreso.
Inungkat kasi ni Bayan Muna Rep. Carlo Zarate ang mga umano’y kwestyonableng post ni Monteguado mula sa ilang Facebook accounts.
Isa raw sa mga ito ay nagsasabing ginagamit di-umano ng mga kongresista ang pondo ng publiko para bigyan ng pera ang mga terorista.
Mariin itong pinasinungalingan ni Zarate, aniya sinabi raw mismo sa kaniya ni Monteguado na hindi nito kilala ang moderator ng mga nasabing social media platform pages.
Tila ipinagtanggol naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang NICA director-general. Sinabi nito na bupng puso ang pakiki-simpatya ni Monteguado upang labanan ang mga Communist-terrorist groups ngunit hindi yata kumbinsido sa pahayag na ito si Zarate.