-- Advertisements --
image 419

Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na ang pamahalaan ay nakapagtayo na ng higit sa 660 km. ng farm-to-market roads (FTMR)na makikinabang sa mga magsasaka, mangingisda at mamimili sa buong bansa.

Ayon kay DA Undersecretary Mercedita Sombilla, ito ay napakahalaga lalo na sa mga rural areas na talagang malayo sa urban cities at consumers kung saan kailangan ang mga produkto,”

Aniya, mas magiging madali na ngayon para maihatid ang mga produktong pang-agrikultura sa mga mamimili sa mga urban areas sa mga lungsod, maging sa mga sentro ng bayan.

Sinabi ni Sombilla na ang pagtatayo ng farm to market roads ay nangangahulugan din ng karagdagang kita sa mga magsasaka at mangingisda.

Nabanggit ni Sombilla na ang mga ito ay mag-uugnay sa kanila sa mga sentro ng pagproseso at maging sa mga daungan para sa mga kalakal na pang-export.

Sinabi ni Sombilla na bukod sa mga farm to market roads, nakagawa na rin sila ng 670 lineal meters ng mga tulay.

Kasabay nito, iniulat niya na isang kabuuang 64,156 km. na proyekto kailangan pang itayo at kanila nang sisimulan.