CENTRAL MINDANAO-Pinabulaanan ni Pagalungan Maguindanao Vice-Mayor Abdilah “Abs”Mamasabulod ang banta sa seguridad ng mga kawani ng trivert construction sa isang proyektong kalsada sa kanilang bayan.

Sinabi ng Bise-Alkalde na may tropa ng militar sa Brgy Bagoinged at tumutulong pa ang mga friendly forces sa pagmimintina ng peace and order situation.

Unang sinabi ni Adzis Malaguiok may-ari ng Trivert Construction na hindi inabandona ang proyekto at naantala lamang ito dahil may banta sa seguridad ng kanilang mga trabahador.

Matatandaan na kinalampag ng lokal na pamahalaan ng Pagalungan sa pamumuno ni Mayor Salik Mamasabulod at mga opisyal ng Barangay sa usad pagong na kontraktor ng daan.

Mahigit isang taon na ang proyektong kalsada na magdurugtong sana sa Barangay Talitay sa bayan ng Datu Montawal, Barangay Buliok at Kalbugan ngunit hindi matapos-tapos ng Trivert construction.

Panawagan ngayon ni Pagalungan Vice-mayor Abs Mamasabulod na sana tapusin na ang farm to market road project dahil malaking tulong anya ito sa mga residente na mailabas ang kanilang produkto na ibebenta sa ibang bayan sa Maguindanao at North Cotabato.