-- Advertisements --

Binatikos ng isang opisyal ng tranport group ang pagpapalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na diskuwento sa mga pampasaherong sasakyan na dumadaan sa bus carousel.

Sinabi ni Manibela president Mar Valbuena na ang hakbang na ito ng Department of Transportation (DOTr) ay magdudulot ng kalituhan sa mga mananakay.

Mula kasi ng inanunsiyo ng LTFRB na mayroong diskuwento ay nakalagay sa isipan ng mga mananakay na sakop lahat ng mga pampasaherong sasakyan sa lahat ng ruta.

Base sa inilabas na kautusan na magiging P9 na lamang ang pamasahe sa traditional jeepney mula sa dating P12 at magiging P11 mula sa dating P14 para sa mga modern jeepneys.

Ang nasabing hakbang ay siyang ipinamalit ng gobyerno dahil sa pagtatapos na ng kontrata ng libreng sakay sa mga bus na dumadaan sa EDSA Bus Carousel.