Pumalag si Vice Pres. Leni Robredo matapos lumabas ang haka-hakang sinisi umano nito ang kanyang mga larawan online sa pagbaba niyang satisfaction rating sa isang bagong survey.
Sa kanyang online post, mariing tinutulan ng pangalawang pangulo ang kumakalat na Facebook post ukol sa kanya umanong pag-alma sa mga larawan.
“Not true, I never said this. Obviously fake news. Our trust ratings actually rose by 11%. A majority of Filipinos are satisfied with the work that we do in our office and we will continue to do the work needed to reach those in the margins.”
Batay sa datos ng Social Weather Station (SWS), tuloy tuloy na bumaba ang satisfaction rating ni Robredo mula March 2019 sa +42 hanggang +28 nitong nakaraang Hunyo.
Ayon sa SWS, dulot ito ng pagbagsak ng rating ng bise sa Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Pero para sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, magkaiba ang method na ginagamit ng SWS mula sa isa pang research body na Pulse Asia.
“Our trust ratings actually rose by 11%. A majority of Filipinos are satisfied with the work that we do in our office and we will continue to do the work needed to reach those in the margins,” ani Robredo sa Pulse Asia rating.