-- Advertisements --
Tinanghal bilang Most Valuable Player ng PBA si San Miguel Beer center June Mar Fajardo.
Ito na ang pampitong MVP award ni Fajardo.
Siya na ang manlalaro na may pinakamaraming MVP awards sa kasaysayan ng PBA.
Mayroon itong kabuuang 2,248 points matapos manguna sa statistical points na 1,244 at media votes na 852.
Inamin nito na hindi niya inaasahan na manalo muli ng nasabing award matapos na magtamo ito ng fractured tibia bago ang pandemic.
Pumangalawa naman sa kaniya si Christian Standhardinger na mayroong 1,559 points habang si Scottie Thompson ay nasa pangatlong puwesto na mayroon 1,539 points.