Inanunsyo ni Facebook CEO Mark Zuckerberg na tatagal pa ng dalawang linggo ang ban sa accounts ni US President Donald Trump sa Facebook at Instagram hanggang sa matapos ang presidential transition.
Kahapon, sinabi ng Twitter, Facebook, at Snap na pansamantalang naka-lock ang accounts ni Trump kasunod nang walang basehan na claims nito hinggil sa US presidential election at paglusob ng ilang daang supporters ng presidente sa US Capitol na nauwi sa karahasan, kung saan apat katao ang binawian ng buhay.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Zuckerberg na ang kanilang pag-ban sa account ni Trump ay resulta na rin ng kung paano gamitin ng presidente ang social media platform para magpalaganap ng karahasan.
“We believe the risks of allowing the President to continue to use our service during this period are simply too great. Therefore, we are extending the block we have placed on his Facebook and Instagram accounts indefinitely and for at least the next two weeks until the peaceful transition of power is complete,” dagdag pa ni Trump.
Nauna nang binatikos ng ilang mga mambabatas ang pamunuan ng Facebook dahil sa hindi pag-aksyon sa mga posts ni Trump.