-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Formula One four-time world champion Sebastian Vettel ang kaniyang pagreretiro.

Sinabi nito na nagbago na ang kaniyang layunin sa buhay.

Tututukan na aniya nito ang kaniyang pamilya at ibang interest sa labas ng sport.

Ang 35-anyos na German F1 driver ng Aston Martin team ay nakuha ang kaniyang titulo sa Red Bull mula 2010 hanggang 2013 at ang iginugol ang anim na season sa Ferrari.

Magsisimula aniya ang kaniyang retirement sa pagtatapos ng 2022 season.