-- Advertisements --
Patuloy na binabantayan ang low pressure area (LPA) na natukoy sa layong humigit-kumulang 960 kilometro sa silangan ng Southeastern Luzon batay sa pinakahuling datos.
Dahil sa trough ng LPA, inaasahang makararanas ng pag-ulan ang Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Quezon, at Marinduque.
Bukod dito, posibleng magkaroon ng mga localized thunderstorms sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Ang mga residente sa apektadong lugar ay inaasahang maghanda at maging alerto sa mga abiso ng lokal na pamahalaan.
Sa kabila ng masamang panahon, patuloy na mino-monitor ng PAGASA ang galaw ng LPA upang agad na maipaalam ang anumang pagbabago.
















