-- Advertisements --
Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang extension ng pag-avail sa estate tax amnesty.
Sa botohan ng mga mambabatas sa mataas na kapulungan ng Kongreso, walang kahit isang tumutol sa pagpasa ng bill.
Ayon sa panukala, dalawang taon ang ibibigay sa tax payer para makapagbayad ng kinakailangang buwis para sa kaniyang mga ari-arian.
Nangangahulugan na bibigyan ng hanggang Hunyo 23, 2023 ang mga kailangang magbayad, upang maisaayos ang kanilang mga pananagutan sa gobyerno.
Una rito, naipasa na ang kahalintulad na bill sa Kamara noon pang nakaraang taon.