-- Advertisements --

Maaaring palawigin ng tatlong oras ang voting hours sa nalalapit na halalan, kumpara sa mga nakaraang eleksyon.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Antonio Kho Jr. na layunin nitong magkaroon ng allowance para sa pag-disinfect at limitadong bilang ng mga tao sa polling centers.

Giit ni Kho, ang desisyon na pahabain ang voting hours ay upang matiyak din ang kaligtasan ng mga botante dahil sa nananatiling banta ng COVID-19.

Paliwanag ng opisyal, maaaring kapusin ang regular na voting time, dahil may mga protocol na hindi dapat maisantabi.

Sakabila nito, kinontra ng poll official ang panukalang gawing dalawang araw ang national at local elections.

Gayunman, sinabi naman ni Kho na malabo namang palawigin pa ng higit sa isang araw ang darating na halalan.