-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi na kailangan pang bumuo ng panibagong manhunt team para tugisin si Senator Ronald dela Rosa, na umano’y patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., may umiiral nang mga operational units na patuloy na nagsasagawa ng paghahanap sa senador, kaya hindi na kinakailangan ang karagdagang manhunt teams.

Sinabi pa ng PNP na patuloy nilang sinusuri ang lahat ng posibleng impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ng senador, kabilang nariyan ang kanyang mga kilalang address, mga nakakausap, at mga lugar na madalas niyang puntahan.

Ayon sa pulisya, lahat ng posibleng leads ay aktibo nilang iniimbestigahan.

Paliwanag pa ng Police chief na naisumite na raw nila ang lahat ng kanilang mga tala at resulta ng kanilang naging imbestigasyon sa Department of Justice (DOJ) mula sa pananatili ni Dela Rosa sa Senado noong Mayo 12 hanggang makatakas ito sa mga awtoridad bandang 2:30 ng madaling-araw noong Mayo 14.