-- Advertisements --

Inaresto ang dating White senior adviser ni ex-President Barack Obama na si Seth Andrew dahil sa pagnanakaw umano ng ilang libong dolyar mula sa paaralan na kaniyang itinaguyod.

Kinasuhan ng US Attorney’s Office ng Southern District ng New York ng money laundering at pagsisinungaling sa banko.

Ayon sa prosecutor na tumulong si Andrew ng network ng charter school na nakabase sa New York City noong 2005.

Umalis ito sa network noong 2013 para magtrabaho sa US Department of Education at naging senior adviser sa Office of Educational Technology sa White House.

Umalis si Andrew sa White House noong Nobyembre 2016 at tinanggal sa school network noong Enero 2017.