-- Advertisements --

Pumanaw na dating US Secretary of State na si George Shultz sa edad 100.

Nanilbihan si Shultz noong panahon ni US President Ronald Reagan.

Shultz George
George Shultz/ Twitter image

Hindi naman binanggit ng kampo nito ang naging sanhi ng kaniyang kamatayan sa tahanan nito sa California.

Kinumbinsi ni Shultz si Reagan na maging mabuti sa bansang Russia.

Iba’t-ibang posisyon din ang hinawakan nito sa panahon ni dating US President Richard Nixon na gaya ng Secretary of Labor, director ng Office of Management and Budget at naging Secretary of Treasury.

Naging presidential campaign manager din siya ni dating US President George W. Bush.