Sa bahay na ipagpapatuloy ni dating US President Jimmy Carter ang kaniyang paggamot.
Ayon sa kampo nito na matapos ang labas-pasok ito sa pagamutan ay nagpasya ang dating 98-anyos na si Carter na manatili na lamang sa bahay nito sa Georgia.
Itinuturing siya na pinakamatandang nabubuhay na pangulo sa kasaysayan ng US matapos ang pagpanaw noon ni George H.W. Bush noong 2018 sa edad na 94.
Hindi gaanong nakikita sa publiko ang pang-39 na pangulo ng US dahil sa COVID-19 pandemic.
Taong 2015 ng gumaling na ito sa brain cancer pero iba’t-ibang sakit ang dumapo sa kaniya noong 2019 at ito ay sumailalim sa operasyon para matanggal ang pressure sa kaniyang utak.
Dahil sa sakit ay tumigil na ito sa pagtuturo sa Sunday school sa Maranatha Baptist church sa Plains, Georgia.
Bago pumasok sa pulitika ay naging peanut farmer ito at naging US Navy lieutenant.
Nagsilbi siya ng isang termino bilang governor ng Georgia sa ilalim ng Democrats at naging pangulo ng US mula 1977 hanggang 1981.