
Nanindigan si Former United States Presidente Donald Trump na inosente siya sa pitong kasong isinampa sa kaniya na may kaugnayan sa classified documents.
Ito ay matapos na isiniwalat ni Trump na siya ay kinasuhan kaugnay sa kanyang di-umano’y labag sa batas ng unlawful retention ng mga impormasyon ng national defense sa kaniyang tahanan sa Palm Beach, Florida.
Sa isang statement, ay sinabi ni Trump na nakarating sa kanya ang balitang ito nang ipaalam ito ng administrasyong Biden sa kaniyang abogado.
Sa ngayon ay iniimbestigahan ng Department of Justice si Trump dahil sa naging paglabag nito sa Espionage Act at obstruction of justice matapos matuklasan ng mga otoridad ang naturang mga classified documents sa kanyang tahanan sa Mar-a-Lago sa Florida.
Samantala, kaugnay nito ay nakatakdang humarap sa federal court sa Miami sa susunod na linggo.










