Napatunayang liable sa financial fraud si dating US President Donald Trump at mga anak nitong lalaki sa isang civil case sa New York.
Kaugnay nito ipinag-utos ni New York Judge Arthur Engoron ang kanselasyon ng certificates ng ilang mga negosyo ni Trump kabilang na dito ang Trump organization na nag-ooperate sa New york.
Nag-ugat ang naturang desisyon ng New york judge matapos idemanda ni New York state Attorney General Letitia James si Trump noong nakalipas na Setyembre na nagaakusa sa kaniya at mga anak nito na sina Donald Jr. at Eric kabilang ang Trump Organization sa pagsisinungaling sa kaniyang net worth at asset values sa pagitan ng 2011 at 2021.
Ayon pa sa state attorney, nagisyu umano sina Trump ng false business records at financial statements upang makakuha ng mas magandang mga kondisyon sa bank loans at insurance deals at para magbayad lamang ng kunting buwis.
Nakatakda namang humarap naman sa trial ang dating Pangulo ng Amerika kaugnay sa civil case nito na magsisimula sa Lunes.
Samantala, iginiit naman ni Trump at ng iba pang defendants na hindi sila nag-commit ng fraud at ang kinukwestyong transactions ay hindi umano profitable kayat plano nilang iapela ang naging desisyon ng New York judge.