-- Advertisements --

Pumanaw na si dating US First Lady Rosalyn Carter sa edad na 96.

Ayon sa kampo nito na mapayapang namalaam ito sa bahay niya sa Plains, Georgia na pinapalibutan ng kaniyang mga kaanak.

Sinabi naman ng kaniyang asawa na si dating pangulong Jimmy Carter na siya ang tinaguriang equal partner niya sa lahat ng kaniyang accomplishments.

Magugunitang nitong Biyernes ay ipinasok siya sa hospice care kung saan na-diagnosed ito ng dementia.

Ang dating pangulo naman ay nagsimula ng home hospice care noon pang Pebrero matapos ang ilang serye ng kaniyang pagkaka-ospital.

Magugunitang tinalo ni Ronald Reagan si Carter matapos ang apat na taon nitong pamumuno bilang pangulo ng US.

Ang dating first lady ay kilala sa mental health advocate at namuno sa charities nilang mag-asawa.